Advertisers
KINALAWIT ni Jonel Carcueva ang titulo sa 2024 PhilCycling National Championship for Road Biyernes.
Ang pinoy cyclist na nagmula sa Cebu ay nasilo ang kanyang ikatlong dikit na Men Elite crown matapos maghari sa Sampaloc Climb sa Tagaytay City, sa oras na 4 hours,23 minutes at 23.40 seconds para mayapos ang gintong medalya.
Jericho Jay Lucero ang lumitaw na first at second-place finish para sa continental team Go-for-Gold, sa karera na nagsimula at nagtapos sa Praying Hands sa kahabaan ng Isaac Tolentino Avenue.
Samantala, Philippine Navy – Standard Insurance’s Ronald Lomotos ang third place may oras na nine seconds sa likod ni Lucero.
Ang top finishers sa limang araw na tatlong discipline national championship ay kabilang sa national road team na isingkaw sa Asian championship ngayon taon at sa Southeast Asian Games sa Disyembre.
Ang 2025 SEA Games ay gaganapin sa Thailand.
Ang kabouang 69 cyclist sa Men Elite race ay tinawid ang Nasugbu, Lian, Balayan, Tuy, Calaca, Lemery, Agoncillo at Talisay sa Batangas.