Advertisers

Advertisers

Crossovers binulsa ang pilak sa PNVF Champions League

0 5

Advertisers

WINALIS ng Chery Tiggo ang College of Saint Benilde,25-20,25-13,25-13, para ibulsa ang bronze medal sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Champions League sa Rizal Memorial Colesium sa Manila.

Pinamunuan ni Opposite hitter Mylene Paat ang opensiba ng Crossovers na may 8 attacks at three blocks,habang si skipper Aby Marano umiskor ng eight kills,two blocks at two aces.

Ara Galang bumakas ng nine attacks at block para sa Chery Tiggo, na nangailangan ng isang oras at 21 minuto para makamit ang panalo.



“It was a great fight,” Wika ni Chery Tiggo coach Emilio Reyes Jr. sa post-match interview.

Ang Chery Tiggo ay nabigong makaabante sa finals matapos mabigo sa PetroGazz,21-25,19-25,14-25,sa kanilang knockout semifinal game Biyernes.

Sinabi ni Galang na ginagawa nya ang lahat para makatulong sa kanyang teammates.
“I am happy, I enjoy it when I’m with them during practices and games,” anya. “We learned a lot before the PVL. Hopefully, we can polish our moves and work [better] as a team.”

Ang Saint Benilde, na nabigo sa Cignal HD sa ibang semifinal match, ay pinamunuan ni opposite hitter Jhasmin Gay Pascua, na may six attacks at one block

Skipper Jessa Dorog umiskor ng six points, habang si Wielyn Estoque at Clydel Catarig nagdagdag ng tig-4.