Advertisers

Advertisers

PolPhil Partido pulitikal inilunsad kontra trapo

0 24

Advertisers

INILUNSAD ng iba’t-ibang sector ng lipunan nitong Sabado, Pebrero 10 ang People’s Progressive Humanist Liberal Party isang progresibong Partido pulitikal na magnanais mangahas at makatunggali ang mga tradisyunal at political dynasties na Partido na nangingibabaw sa larangan ng pulitika sa bansa.

Ayon sa PolPHIL nais ng kanilang Partido na wakasan ang pamamayani ng tradisyunal na politiko na namamayagpag sa loob ng ilang dekada sa lokal at pambansang pamahalaan.

Sinabi ni Rudy Cañeda, bagong elect na national chairman ng partidong PolPHIL na mapapalakas ang tunay na boses ng mamamayan, para bigyang pansin ang kanilang kapakanan at alalahanin sa larangan ng mga desisyong pampulitika at pang-ekonomiya ng bansa ang pangunahing ng layunin ng PolPhil.



“Nais ng PolPhil na mapalahok at bigyang partisipasyon sa mga programa ng gobyerno ang boses ng mamamayan,” sabi ni Cañeda.

Sa ginawang election at pagkakatatag ng Partido pulitikal na PolPhil na isinagawa sa Bahay ng Alumni sa University of the Philippines campus, Diliman, Quezon City nitong Pebrero 10, (Sabado) na nilahukan ng iba’t ibang sector mula sa progresibong. grupong pulitikal, sektor ng transportasyon, manggagawa, magsasaka, kabataan, akademya, opisyal ng gobyerno, mga dating rebelde at sundalo, solong magulang at lider ng maralitang lungsod.

Ang PolPHIL party ay inisyatiba ng Political Officers League of the Philipppines (POLPhil), isang organisasyon ng kasalukuyan at dating mga punong kawani (chiefs of staff) sa iba’t ibang antas ng gobyerno, development workers, mga environmental advocates at nation builders na pawang determinadong magdala ng pagbabago sa takbo ng lokal at pambansang kaunlaran sa pamamagitan ng POLPhil Political Institute, Enterprise Development Program at Good Governance Programs.(Boy Celario)