Advertisers
NASAWI ang isang retiradong pulis nang tambangan habang patungo mosque para dumalo sa tradisyonal na pagsamba ng mga Muslim, Biyernes ng tanghali, Pebrero 9, 2024, sa Talitay.
Ang biktima ay nakilala si Mokamadali Sula Dondoy, 69 anyos, ng Sito Tandinhan, Barangay Kuden, Talitay, Maguindanao Del Norte.
Ayon ng Talitay MPS, posibleng matagal ng personal grudge ang pinag-ugatan ng pagpatay kay Dondoy.
Patuloy pa ang ginawang imbestigasyon ng pulisya.