VM Yul Servo, City Ad Bernie Ang, nanguna Chinese New Year festivities ng Maynila

Advertisers
“A visit to the capital city won’t be complete without an authentic encounter with the places and faces here in Manila Chinatown.”

Ito ang pahayag ni Manila Vice Mayor Yul Servo, matapos na pangunahan nila ni City Administrator Bernie Ang Chinese New Year festivities ng kabisera ng bansa nitong weekend.
“A prosperous and joyful evening to everyone, esteemed guests, members of the diplomatic corps, elected officials from the national and local government, our Filipino-Chinese friends, and fellow manilenyos. On behalf of our mayor, Dra. Maria Sheilah Honey Lacuna-Pangan and the City Council of Manila, we would like to welcome you all to this event that we always look forward to this time of every year,” pahayag ni Servo sa kanyang speech.
Ayon kay Servo, ang welcome festivities na inihanda ng city government para sa Year of the Wood Dragon ay napakahalagang dahilan kaya naman sa taon ding ito ang lungsod ay magdiriwang ng 430th anniversary ng pinakamatanda at pinakamalaking Chinatown sa daigdig, ang Manila Chinatown.
“This celebration is not only for welcoming the new year but also for celebrating the contribution of this renowned district in our lives as Filipinos. No less than the Honorable Mayor herself is promoting this part of the city as a premiere tourist destination. We firmly believe that we could not promote Manila without letting visitors have an experience going in and around Manila Chinatown,” ayon kay Servo.
“But more than its charm, Manilenyos value the influences that this place has brought to our lives. Over 430 years, Chinatown has become a significant part of our culture. Through the centuries, the place has been a symbol of unity and cooperation amongst our Chinese friends and has shown much influence, especially in the capital city’s economy, trade and industry. This celebration will be a momentous event as we step into the year of the Wood Dragon and ultimately the 430th anniversary a few weeks from now,” dagdag pa nito.
Sinabi pa ni Servo na ang musical fireworks display, maliban sa pagsalubong sa year of the ‘Wood Dragon,’ ay kumakatawan din sa mayamang ambag ng Manila Chinatown sa lungsod.
“This characterizes the brighter future ahead of the 430 years that we have through together… we will continue to support and promote Manila Chinatown as one of the ultimate places to visit in the capital city, for the name Manila is also synonymous with Chinatown,” pagbibigay diin ng bise alkalde.
Nauna rito, nagpahatid ng pagbati si Manila Mayor Honey Lacuna sa lahat ng miyembro ng Chinese-Filipino community, sa kanilang pagsalubong sa Chinese New Year ng ganap na alas-12 ng hatinggabi ng February 9 at opisyal na selebrasyon sa mismong araw ng Year of the Wood Dragon na nagsimula Naman ng February 10, 2024.
Sinabi ni Lacuna na kaisa siya ng mga Chinoys sa pagdiriwang ng Chinese New Year, kasabay ng pagbanggit niya ng papel ng Chinese-Filipinos sa paghubog ng mayamang kasaysayan at pag-unlad ng lungsod sa mga nakalipas na taon.
Binanggit din ng alkalde ang natatanging ambag ng mga ‘Chinoys’ sa mga programa ng lungsod at pinasalamatan ang mga ito sa kanilang suporta sa lokal na pamahalaan ng Maynila sa lahat nitong mga gawain.
Nagpahayag din si Lacuna ng paniniwala at tiwala na kahit na ang mga Chinoys ay may dugong Intsik sa kanilang mga ugat, sila ay mananatiling Filipino sa puso at isipan at ito ay pinatunayan ng kanilang malasakit sa pamahalaan at sa residente ng Maynila.
Sa partikular ay ipinagmamalaki ng lady mayor kung paano ang Chinese-Filipino communities sa Maynila ay nagbigay ng lahat ng kinakailangang tulong upang tulungan ang lungsod sa pagtugon sa pandemya.
Pinasalamatan din ni Lacuna ang mga Chinese-Filipinos na patuloy na nagsasagawa ng negosyo at hinikayat ang iba na tularan Ang mga ito. Sinabi pa ng alkalde na ang mga ibinibayad na buwis ng mga Chinese-Filipinos ay nakakatulong upang mapondohan ang mga programa na ang layunin ay mapagaan ang buhay ng mga mahihirap na Manileño.
Dahil dito, ang alkalde ay nanawagan sa lahat ng mga Chinese-Filipinos na ipagtuloy ang pagtatrabaho katuwang ang lokal na pamahalaan at magtatag ng mas malalim pang samahan.
Samantala, tiniyak ni Lacuna sa mga Chinoys sa lungsod na patuloy na tutugon ang lokal na pamahalaan sa abot ng kanilang makakaya sa lahat ng kanilang pangangailangan at walang kapahamakan na mangyayari sa kanila.
Sinigurado rin ni Lacuna na ang lokal na pamahalaan ng Maynila ay ginagawa ang lahat ng pagtitipid sa pondo ng lungsod upang tiyakin na walang masasayang kahit isang sentimo. Ito lamang ang paraan upang makabayad ang lungsod sa lahat ng suporta ng nakukuha nito sa taxpayers. (ANDI GARCIA)