Advertisers
Patay ang 18-anyos na lalaki nang pagsasaksakin sa sayawan sa Sitio Mainit, Barangay Sta. Rosa, Olango Island, Lapu-Lapu City noong Linggo ng gabi, .
Ang nasawing biktima nakilala si John Paul Ronald Dungog, 18-anyos, estudyante sa grade 11; at ang salarin, na hindi ibinunyag ang pangalan, isang 16-anyos, estudyante sa Grade 10.
Ayon sa Lapu-lapu City Police Office, nagkaroon ng aktibidad sa lugar, at kasama ang mga kabataan para sa Valentine’s presentation, pagkatapos ng aktibidad, susundan ng isang disco, noong nagsayawan na mayroon nasiko na nagresulta sa rambolan ng mga grupo.
Nangyari ang pananaksak gamit ang isang icepick, na tinamaan ang biktima sa kanyang kaliwang dibdib na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng DSWD ang menor de edad na salarin habang isinasagawa ang karagdagang imbestigasyon ng pulisya.