Advertisers
MALAPIT nang maresolba ang insidente ng pananambang na nagresulta sa malubhang pagkasugat ng 28-anyos na doktora sa Maguindanao del Sur.
Napag-alaman na nasa edad 17 at 18 lang ang dalawang sumukong suspek.
“We are happy to report, also, two suspects surrendered in line with the shooting of [Dr. Sharmaine Barroquillo],” sabi ni PNP Chief, General Benjamin Acorda Jr.
Ayon sa Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR), edad 17 at 18 ang mga suspek na sumuko, habang pinaghahanap pa ang isa pang suspek na 16-anyos.
Matatandaan na Pebrero 3 nang pagbabarilin ang biktima habang sakay ng kotse sa national highway sa bahagi ng Barangay Digal, Buluan.
Nagawa namang itakbo ni Barroquillo ang kanyang sasakyan patungong ospital kahit na sugatan pero habang nasa daan ay nakabangga ito ng tricycle at mga angkas nito.
Kapwa naman nadala ang mga biktima sa ospital.