Advertisers

Advertisers

Amasona, patay sa sagupaan sa Surigao del Sur

0 6

Advertisers

Nasawi ang isang babaeng rebelde nang makasagupa ang grupo nito at mga sundalo sa Lianga, Surigao del Sur.

Kinilala lamang ang napatay sa alyas “Sunshine” na kaanib ng NPA Regional Sentro De Gravidad (SRDG), Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC).

Sa report ng militar, nakasagupa ng 4th Infantry Division (4ID) ang grupo ng mga rebelde na natiktikan sa Barangay Baucawe, Lianga.



Bukod sa inabandonang bangkay ng nasabing rebelde, nasamsam din sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang M60 machine gun, mga bala, at personal na kagamitan ng mga ito.