Advertisers
Lumubog ang isang fishing boat nang hampasin ng malalaking alon sa bahagi ng Tingloy, Batangas.
Maagap namang sumaklolo ang Philippine Coast Guard (PCG) na nagsagawa ng rescue operation at tinulongan ang dalawang survivors na sakay ng MBCA Velocity.
Nitong gabi ng Pebrero 15, ligtas na naihatid ng BRP Malapascua (MRRV 4403) ang mga survivors na sina Wilbert Binay, 45-anyos; at Edgar Glen Binay, 42, na kapwa residente mula sa Sitio Butong, Barangay Bulacan, Golo, Lubang, Occidental Mindoro sa Batangas International Port Sta. Clara, Batangas City.
Ayon sa PCG, tinangay ng alon ang fishing boat ng mga survivors sa baybayin ng Barangay Bulacan.
Pinasalamatan naman ni PCG District Southern Tagalog ang mga rescue team sa matagumpay na pagtugon at kinilala ang kanilang dedikasyon at propesyunalismo.(Jocelyn Domenden)