Advertisers
Nasawi ang isang tricycle driver nang saksakin ng ilang beses sa Purok 1, Barangay New Valencia, Tugbok District nitong ng Huwebes ng umaga.
Ang biktima nakilala si Elmer Taboada Remoroza, nasa hustong gulang, at ang suspek ay nakilala si Elicito Estabillo, nasa hustong taong gulang.
Ayon sa Davao City Police Office, habang pauwi ang biktima at sakay ng kanyang tricycle, bigla siyang nilapitan ng salarin at walang pag-aalinlangang pinagsasaksak at pagkatapos mabilis na tumakbo sa hindi malamang direksyon.
Planado umano ang krimen, dahil sa inisyal na imbestigasyon, naghahanap lang ng pagkakataon ang salarin para gawin ang pagpatay, nang malaman na may relasyon ang kanyang misis at ang biktima.
Isang hot pursuit operation ang isinagawa at nanawagan ang pulisya sa mga tao na agad na magsumbong sa kanilang tanggapan kung makikita ang salarin sa lugar.