Advertisers
PINAGBAWALAN na ang mga sundalo na gumamit ng social media app na “Tiktok” na gawa ng China.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Colonel Francel Padilla, pinagbabawalan ang mga sundalo dahil sa usapin ng cyber security.
Sinabi ni Padilla na saklaw ng direktiba ang kanilang personal at government issued na cellphone.
Ipinunto ni Padilla na hinihingi ng Tiktok at iba pang social media apps ang access sa camera, microphone at messages sa tuwing ito ay gagamitin.
Sa ganitong estilo, namo-monitor hindi lang ng Tiktok kundi ng iba pang free applications ang ginagawa ng mga nag-download ng isang app.
Matatandaan, nitong nakalipas na taon ipinahayag ng National Security Council na kanilang pinag-aaralan ang posibleng pagbabawal sa Tiktok sa mga uniformed personnel ng gobyerno para maiwasan ang data leak.
Ilang bansa narin tulad ng America, India at Canada ang pinagbawalan ang kanilang mga manggagawa sa gobyerno na gumamit ng Tiktok. (Almar Danguilan)