Advertisers

Advertisers

Militar hinikayat ni PBBM maging tagapagtaguyod ng kapayapaan

0 4

Advertisers

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang militar na gampanan ang papel bilang tagapagtaguyod ng kapayapaan habang nakikipaglaban sa mga kaaway ng pamahalaan upang makamit ang kapayapaan.

Sa isinagawang Talk to Troops sa kampo ng 401st Infantry Division ng Philippine Army sa Prosperidad, Agusan del Sur, sinabi ni PBBM na gumagamit ang kanyang gobyerno ng bagong pamamaraan sa pagtugon sa internal na kaguluhan kung saan nais niya na ang mga sundalo ay maging peacemakers habang nilalabanan ang mga grupo na nagsisilbing banta sa kapayapaan at demokrasya.

Maliban sa pagtugis sa mga masasamang elemento, iginiit ng Pangulo na dapat ding suportahan ng militar ang mga programa ng gobyerno na nagbibigay ng kabuhayan, lupa, at tirahan sa mga rebelde na nais magbalik-loob sa pamahalaan.



Matatandaang nilagdaan ng Presidente ang Proclamation Nos. 403, 404, 405 at 406, na nagbibigay ng amnestiya sa dating mga rebelde, at Executive Order No. 47, na nag-amyenda naman sa dating direktiba ng National Amnesty Commission (NAC).

Samantala, pinuri naman ni Pangulong Marcos ang mga kahanga-hanga aniyang tagumpay Joint Task Force Diamond matapos ma-neutralize ang dalawang daang mga rebelde o terorista.

Sinasabing suportado rin ng JTF ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Nabatid naman na dahil sa walang tigil na kampanya ng militar, dalawang rehiyonal na grupo ng mga rebelde na may daan-daang miyembro at armas ang umatras na sa kabundukan at hindi na nakaka-impluwensya sa mga kalapit na barangay. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">