Advertisers
Nasawi ang tatlong katao nang masalpukan ang dalawang motorsiklo sa bayan ng Janiuay sa Iloilo.
Kinilala ang mga nasawi na sina Joem Benedicto, 21-anyos, rider ng isang motorsiklo; at ang pinsan na angkas niya na si Marlon Gonzales, 22-anyos, na residente sa lugar.
Nasawi rin ang nakabanggaan nilang rider na si Norman Gajo, 41-anyos.
Ayon sa ulat, nag-overtake ang motorsiklo na minamaneho ni Benedicto at paglipat nito ng linya nakasalubong at nakabanggan na ang motorsiklong minamaneho ni Gajo.
Sinabi ni Police Captain Alwyn Salmon, hepe ng Janiuay Police, mabilis ang tagpo ni Benedicto nang mag-overtake sa sinusundang tricycle.
Nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang tatlo na dahilan ng kanilang pagkamatay.