Advertisers
Binuwag ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas (PDEA-7) ang walong drug den sa iba’t ibang lugar sa Central Visayas sa unang dalawang buwan ng 2024.
Ayon kay Leia Alcantara, spokesperson ng PDEA-7, mula Enero hanggang Pebrero ay nabuwag ng mga tauhan ng PDEA ang limang drug den sa Cebu City, isa mula sa Tagbilaran City, Bohol, at dalawa sa San Francisco, Camotes Island, Cebu.
Ani Alcantara, ikinokonsiderang ‘high impact operation’ ang pagbuwag sa mga drug den dahil ito umano ang pugad ng krimen.
Sinabi pa ng opisyal na patuloy ang PDEA-7 na nakakadiskubre ng mga drug den sa iba pang lugar kahit na idineklara na itong drug-cleared areas.
“It is part of reality. It is part of the process of drug-clearing operations. I think there is this misconception that we will no longer conduct anti-illegal drug operations in drug-cleared areas. That is a misconception because we cannot control the entry of illegal drugs,” ani Alcantara.
Karamihan sa mga drug den na sinira ay mga bahay din ng mga naarestong drug suspects.