Advertisers
HINDI siya dinakip,di rin inaresto dahil wala namang atraso sa tao,si Dr.Francis Leo Antonio Marcos PhD ay nasa hoyo muli ng mga preso.
Tigib ng emosyon ang balik- tanaw niyang ramdam sa oras na iyon nang kusang loob na bumisita siya upang matunghayan man lang ang mga ex-kakosa sa kakaiba nang eksena kung saan ay pinaunlakan ng magdadalawang buwan nang malayang si FLM ang klamor ng mga ‘persons deprived of liberty’ na makitang muli ang dati nilang gobernador sa hoyo na di naman nakalimot sa pangakong supply ng bigas,isang kawanggawa na di kailanman magagawa ninuman maging ang mga may matataas na katungkulan sa ating lipunan na mahilig lang magngangawa..
Balik – bilibid si FLM upang paunlakan ang imbitasyon ng naging kaibigang warden at di natanggihan ang pagiging ‘ninong’ ng mga kosang nag-isang dibdib sa itinakdang mass wedding na nagbigkis sa Bureau of Jail Management and Penology ( BJMP).
Pinayuhan ni FLM ang mga bagong kasal na naging kosa na magmahalan ng wagas hanggang wakas at pagtibayin pa ang kanilang sampalataya sa MAYKAPAL dahil ang pagsisisi ay katapat ng kapatawaran NIYA kaya darating ang tamang tiyempo na masisilayan nila ang liwanag sa labas bilang malayang nilalang sa lalong madaling panahon.
Kanya ring pinakiusapan ang ilang nasa poder ng kapangyarihan sa pader na kulungang iyon na maging mabuting halimbawa upang madali ang transpormasyon ng mga PDL bilang role model at iwaksi na ang bayolenteng kapaligiran.
Pinapurihan din niya na ituloy lang ang pinaiiral nang mahusay at makataong liderato ( ayon sa feedback) ng ahensya ng mga presong hindi lahat ay may kasalanan kundi biktima ng di patas na batas at injustice na di na nakatiis sa mga gumagawa ng lihis.
Sobrang galak ang naramdaman ng mga bagong kasal sa regalo ni Ninong FLM at ang isa sa pinakatampok ng kanyang presensiya sa ahensiya ay ang lagdaan ng MoA na “buwanang supply ng bigas’ mula kay Godfather FLM na tanda ng kanyang pagmamahal sa mga naging bahagi ng kanyang illustrious na buhay sa higit 3 taong lumbay na sila ang karamay.
Ganyan kabusilak ang puso ng alagad ng kabutihan sa loob at labas na kinamumuhian ng mga di makapapel na kalabang kampon ng kasamaan.
Si Dr.Francis Leo Antonio Marcos lang,harangin man ng sibat,baliktarin man ang watawat,di siya paawat na makapaglingkod ng tapat upang maipamudmod ang yamang gintong butil kung saan ang mga nabiyayaan ay sapat na ang taos-pusong pasasalamat.
Sigaw ng mga kosang nabahaginan ng karapat-dapat… NINONG..
MARAMING
SALAMUCH!
Lowcut: Taliwas sa binigkas ng isang vlogger sa kanyang content na ang panayam kay Apo Francis bago siya magtalumpati sa mass wedding sa sa bilibid kung saan ay si FLM ang ginawang ninong ng mga kosang nag-isang dibdib,hindi iyon ang first interview ng media sa pamosong humanitarian champ.FYI,si FLM ay naka 1-on-1 panayam na ng UPPERCUT noong katatapos ng Bagong Taon ’24 sa pamosong bagong laya sa Heritage at sa high end resident nito( published sa TONITE PF News ,GILAS News Online,Manila Times at ito ay nasundan ng isang babaeng reporter ng kanyang Channel noong grumadweyt at tumanggap ng diplomang pang- humanitarian at doctorate degree.AGREE!