Advertisers

Advertisers

BI nakipag-partner sa Australian Gov’t upang gawing pamantayan ang best practices

0 9

Advertisers

NAKIPAG-PARTNER ang Bureau of Immigration (BI) sa pamahalaang ng Australia upang palakasin ang kooperasyon at pagbabahaginan ng kaalaman sa pagitan ng Australia at Philippine authorities sa napakahalagang aspeto ng border management.

Ibinahagi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang mga key officials ng BI ay dumalo kamakailan sa study tour program sa Canberra at Melbourne na ginawa ng Australian Embassy sa Philippines, at inayos ng Australia Department of Home Affairs at ng Australian Border Force noong February 5 hanggang 8.

Ang BI delegation sa pangunguna ni Tansingco ay lumahok sa serye ng mga gawain na dinesenyo upang magbigay ng mahahalagang aral sa iba’t-ibang bahagi ng border management.



Kabilang sa mga gawain ay ang pagbisita sa mga key sites, pakikipagpulong sa mga senior officers mula sa Australian agencies, at pakikilahok sa roundtable discussions na nakapokus sa advanced passenger information, immigration priorities, human trafficking, cyber threats, at counter-terrorism efforts.

“We participated in the program to understand Australia’s approaches and strategies in these areas, with a view to adapting and implementing best practices in the context of Philippine immigration,” sabi ni Tansingco.

“The program also offered opportunities for the BI delegation to explore innovative technologies and operational methodologies utilized by Australian authorities,” dagdag pa nito.

Ayon kay Tansingco, sila ay partikular na nagkainteres sa usapan tungkol sa Advance Passenger Information (API) at Passenger Name Record (PNR), na isang advanced data na ginagamit sa pre-vetting arriving foreign nationals, gayundin sa Australia’s approach on security and human trafficking, at ang kanilang paggamit ng electronic gates.

Pinag-uusapan din sa study tour ang mga gagawin laban sa cyberthreats at terrorism.



“There were a lot of eye-opening learnings that we were able to note during the study tour that we will be adopting in Philippine immigration,” ayon kay Tansingco.

“Activities like this help us gain more perspective about international trends that we can implement in the country,” dagdag pa nito. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)