Advertisers

Advertisers

Kaso sa pulis sa 990 kilos ng shabu sa Maynila pinalalakas pa – DoJ

0 16

Advertisers

TINIYAK ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pinalalakas pa ng kanilang hanay ang isasampang kaso laban sa pulis na nahuli sa shabu drug bust sa Maynila noong nakaraang taon.

Pahayag ito ni Remulla matapos ang clarificatory meeting ng Department of Justice (DOJ) prosecutors at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group.

Ayon kay Remulla, dapat konkreto, kridibol at airtight ang kaso laban kay Police Master Sergeant Rodolfo Mayo, Jr. na naaresto nang magsagawa ng drug bust kungsaan 990 kilos ng shabu ang nasamsam sa kanyang lending office sa Tondo.



Hinikayat ng kalihim ang prosecutors na makipag-ugnayan sa iba’t ibang law enforcement agencies para makakalap ng sapat na ebidensya.

Mahalaga, ayon kay Remulla, na hindi sa basurahan mapupunta ang kaso lalo’t isang pulis ang sangkot sa illegal na droga.