Advertisers

Advertisers

Problemadong magdyowa nagpakamatay

0 9

Advertisers

MAGKASUNOD na nagpakamatay, dahil sa problema sa kanilang relasyon, ang magkasintahan na mga etnikong Teduray sa isang liblib na barangay sa South Upi, Maguindanao del Sur nitong Linggo, February 18, 2024.

Sa mga inisyal na ulat ng South Upi Municipal Police Station, unang nagpakamatay bandang tanghali ng Linggo si “Mae” sa Sitio Lambangian sa Barangay Kuya. Hiniling ng mga kamag-anak nito na huwag nang ibunyag ang kanyang buong pangalan.

Makalipas ang limang oras, nagbigti rin ang kasintahan na si Rodel sa isang lugar sa naturang barangay. Residente si Rodel ng Barangay Santa Maria, Kalamansig, Sultan Kudarat, kungsaan siya nakatakdang ilibing ng mga kamag-anak.



Hindi nilinaw ng lokal na pulisya sa South Upi kung paano nagpakamatay ang dalawa at kung ano ang dahilan.

May mga usap-usapang kumakalat sa South Upi na tutol ang mga kamag-anak ni babae sa balak nilang magpakasal ng kanyang kasintahan.