Advertisers

Advertisers

Mayor Bullet, Cong. Suntay itinanggi ang tsismis kay Dominic Roque

0 6

Advertisers

KAPWA itinanggi nina Dapitan Mayor “Bullet” Jalosjos at Quezon City 4th District Congressman “Bong” Suntay ang malisyosong usapin sa pagkakaugnay nila sa actor na si Dominic Roque.

Kasunod ito sa naging usap-usapan na inilabas ng entertainment reporter na si Cristi Fermin na may kakaibang relasyon ang aktor sa dalawang pulitiko.

Ayon sa dalawang politiko, kaibigan nila ang aktor dahil sa pare-parehas sila ng hilig sa motorsiklo ng mahigit 10 taon na.



Pinarerentahan sa aktor ang nasabing condominium ng alkalde sa murang halaga o presyong kaibigan ng mahigit tatlong taon na.

Sinabi naman ni Suntay, naging endorser niya ng kaniyang gasolinahan ang aktor at walang katotohanan an binigyan niya ng gas station si Roque.

Ikinalungkot ng dalawa na pati ang kanilang pangalan ay nadamay sa paghihiwalay ni Roque sa nobyang si Bea Alonzo.

Naglabas narin ng pahayag ang aktor ukol sa nasabing usapin kungsaan plano nitong sampahan ng kaso si Fermin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">