Advertisers

Advertisers

P12M KOLEKSYON NG CITY HALL KINUPIT NG EMPLEYADO!

0 32

Advertisers

ARESTADO ang 44-anyos na liquidating officer nang nakawin ang City Hall collections na papalo sa kabuuang P12 milyon sa Naga City, Cebu nitong Lunes.

Kinilala ang nadakip na empleyado na si Jesette Kristy Villarta Rivera, residente ng Barangay North Poblacion.

Si City Treasurer Anna Maria Gabilan ang nagsumbong ng ginawa ni Rivera sa mga pulis na nagresulta sa pagkakahuli sa suspek nitong Lunes.



Tumanggi magbigay ng komento si Rivera ukol sa mga paratang.

Batay sa resulta ng imbestigasyon ng Naga City Police, si Rivera ang tumatanggap ng arawang koleksyon mula sa mga kolektor ng lungsod at siya rin ang nagdedeposito ng pera sa depository banks ng siyudad.

Subali’t, kinupit umano ni Rivera ang bahagi ng koleksyon. Nakasaad ang nawawalang pera sa annual audit reports na isinumite ng Commission on Audit (COA).

Batay sa mga pulis, mula 2022 ninanakawan na ni Rivera ang city government.

Napansin din ng kanyang mga kasamahan na dumami ang pera nito dahil sa pagbabago ng kanyang lifestyle.



Nagtungo rin si Rivera, base sa Naga City Police, sa iba’t ibang bansa mula 2022.

Sa isang panayam, sinabi ni Mayor Valdemar Chiong na dismayado siya sa insidente at naaalarma sa unauthorized use ng government funds.

Ani Chiong, ipagkakatiwala niya sa COA ang paghahain ng kaukulang kaso laban kay Rivera at produksyon ng mga dokumento upang suportahan ang nasabing kaso.

Gayundin, tiniyak ni Chiong sa Naga City residents na hindi maaapektuhan ang operasyon ng City Hall ng pagkakadakip kay Rivera.