Advertisers
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang masusing pag-aaral para sa legalisasyon ng mga motorcycle taxi sa bansa.
Ito ay matapos makipagpulong si PBBM sa mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Grab Philippines.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ipinag-utos ng pangulo ang agarang pagsusuri sa mungkahing legalisasyon ng mga motorcycle taxi na kasalukuyang ginagamit ng mga commuter.
Maliban dito, tinalakay din ang rekomendasyon ng Grab na paluwagin ang regulasyon sa mga transport network vehicle services (TNVS) at ang posibleng epekto nito.
Sa kasalukuyan, wala pa ring batas para sa legal na operasyon ng mga motorcycle taxi at pinapayagan lamang ang mga ito na mag-operate sa ilalim ng pilot testing. (Gilbert Perdez)