Advertisers
NAKALADKAD sa kahihiyan ang isang “boss” at kanyang empleyada nang mabuking na hiniritan umano ng una ng sex ang huli para ma-regular ito sa trabaho.
Iniimbestigahan na ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga City ang kumalat na sex video scandal sangkot ang dalawang empleyado ng city hall.
Bumuo narin ng komite ang lokal na pamahalaan para tutukan ito dahil sa isyung kapalit diumano ng sex ang pagiging regular sa trabaho ng kawani.
Lumitaw sa pagsisiyasat na ang isang kawani ay may mataas na posisyon sa trabaho habang ang isa ay job order.
Nanawagan si Konsehal Lilibeth Nuno na huwag nang ipakalat pa ang sex video.
Hindi lang kasi, aniya, ito traumatic sa biktima kundi pati narin sa kanyang pamilya at sa komunidad.
Nanawagan din si Konsehal Charlie Mariano na maimbestigahan din ito sa National Bureau of Investigation (NBI).
Maaaring maharap sa reklamong sexual harassment at masibak sa puwesto ang kawani na nasa posisyon. Pero sa ngayon wala pang nagsasampa ng reklamo.