Advertisers
NASA pangangalaga na ng Municipal Social Worker Development Office ng bayan ng Sorsogon ang isang 12-anyos na junior high school student matapos magpaputok ng baril sa loob mismo ng kanilang classroom sa San Rafael National High School sa Barangay San Rafael, Castilla, Sorsogon.
Iniimbestigahan ng mga pulis kung saan galing o sino ang may-ari at paano naipasok sa paaralan ang kalibre .45 na baril (Series 80 Colt MK lV Gold Cup Match) ng batang estudyante na itinago lang sa pangalang “Buboy”, residente ng naturang bayan.
Sa ulat, 8:30 ng umaga habang nasa gitna ng klase ang lahat nang umalingawngaw ang malakas na putok sa loob ng classroom, at buti na lang walang tinamaan.
Agad na nag-report sa police station ang guro na si Don Velasco Pesonila at naaresto ang bata.
Nabawi mula sa estudyante ang baril na may magazine at limang bala.
Narekober din sa lugar ang isang basyo ng bala ng naturang baril.