Advertisers
NASAWI ang tatlong miyembro ng New People Army, kabilang ang isang amazona, sa engkwentro sa pagitan nila ng militar sa Escalante City, Negros Occidental, Miyerkules ng umaga.
Ayon kay Lt. Colonel J-jay Javines, spokesperson ng 3rd Infantry Division, 11:00 ng umaga nang maganap ang engkwentro sa pagitan ng mga elemento ng 79th Infantry Battalion at 8 rebelde na miyembro ng Northern Negros Front sa pamumuno ni Roger Fabillar sa Sitio Mansulao, Brgy Pinapugasan, Escalante City.
Narekober ng mga sundalo ang 3 nasawing rebelde at 3 matataas na uri ng baril sa clearing operation.
Inaalam pa ang pagkakakilan ng 3 nasawing rebelde.
Patuloy ang pagtugis ng militar sa tumatakas na mga rebelde. (Mark Obleada)