Advertisers

Advertisers

370 FIGHTING COCK GALING AMERIKA, NAKUMPISKA SA BAI PORT OF NAIA

0 28

Advertisers

UMABOT sa 370 imported fighting cocks mula sa Untied State ang nakumpiska ng Bureau Animal Industry pagdating sa Ninoy Aquino International airport (NAIA) Terminal 1, noong Martes ng gabi, February 20,2024

Ayon sa ulat ng BAI- Port of NAIA , dumating ang Qatar Air flight QR 932 via Doha bandang alas:9:40 ng gabi nang harangin at kumpiskahin ng ahensya ang mga dalang ‘panabong’ ng importer na si Juan Bacar.

Ayon sa kanya, tila harassment ito dahil matagal na siyang nagdadala ng mga imported fighting cocks at sa nakalipas na tatlong taon ay ngayon ang nangyari ang ganito.



Sinabi ni Bacar na posibleng ilang negosyante na kanyang kakompetensya sa negosyo ang nasa likod nito upang gibain ang kanyang negosyo dahil magagandang ‘lahi’ ng panabong na manok ang binibenta umano nito sa mayayamang may-ari ng malalaking farm sa bansa.

Ang mga nakumpiskang manok ay agad na dinala sa NAIA 1 kung saan ay hiniling ni Dr. Capulong ng BAI na maglabas ng ilang dokumentong hinihingi nito ngunit nang maipakita ni Bacar ang lahat ng mga kinakailangan ay kinumpiska din ng ahensya ang manok at dinala sa opisina sa Quezon City.

“ Pinaghihinalaan nilang may droga ang shipment lahat ng manok ay inamoy ng PDEA k-9 Pero wala naman silang nakuhang drugs.”ayon kay Bacar. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)