Advertisers
AGAD nagpiyansa ang mga aktibistang sina Jhed Tamano at Jhonila Castro kaugnay sa kasong kanilang kinakaharap.
Ito nga ay matapos maglabas ng warrant of arrest ang Municipal Trial Court ng Donya Remedios Trinidad hinggil sa kasong ‘grave oral defamation’ na kinakaharap ng dalawa.
Ang piyansa ay nagkakahalaga sa P18,000 sa bawat isa.
Itinakda rin ng korte ang arraignment ng pre-trial nina Castro at Tamano ng Marso 15, 2024.
Kung maaalala, noong Enero ay inaprubahan ng Department of Justice ang mga kasong inihain laban kina Castro at Tamano matapos baliktarin ng dalawa ang mga militar at akusahan ang kasundaluhan na dinukot, sinaktan, at tinakot sila ng mga ito.
Ang mga alegasyon na ito ng dalawang aktibista ay kanilang ginawa sa mismong press conference na inorganisa ng NTF-ELCAC, matapos silang sumuko sa mga otoridad at magpanggap na magbabalik-loob na muli sa pamahalaan.