Advertisers

Advertisers

DOH nagbabala sa mga posibleng sakit na dulot ng El Niño

0 4

Advertisers

MARIING nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) sa Bicol Region hinggil sa mga posibleng maging masamang epekto ng nararanasang El Niño phenomenon ngayon sa ating bansa.

Sa isang statement ay inabisuhan ng naturang ahensya ang publiko na magdoble ingat laban sa mga sakit na posibleng umusbong nang dahil sa matinding init ng panahon tulad ng dengue, chikungunya, cholera, heat stroke, typhoid fever, paralytic shellfish poisoning, at leptospirosis.

Matatandaang, una nang sinabi ng isang state weather bureau na magpapatuloy ang nararanasang El Niño sa bansa hanggang sa buwan ng Mayo 2024.