Advertisers
UMISKOR sina Alex Eala ng Pilipinas at partner Ali Collins ng Great Britain ng kanilang unang panalo sa women’s doubles event sa International Tennis federation (ITF) W75 tournament sa Porto,Portugal Huwebes.
Dinispatsa nina Eala at Collins ang tambalan nina Anca Alexia Todoni ng Romania at and Vasanti Shinde ng India sa three sets, 7-6, 4-6, 11-9, para umabante sa round of 8.
Ang 18-year – old Filipina ay sariwa pa mula sa singles win laban kay Raluca Serban ng Cyprus sa round of 32 Miyerkules.
Susunod na makakaharap nina Eala at Collins sina Anna-Lena Friedsam ng Germany at Alicia Barnette ng Great Britain sa women’s doubles quarterfinal round sa Biyernes.