Advertisers
INUKIT ng Far Eastern University ang kanilang ikalawang dikit na tagumpay kontra De La Salle University sa UAAP Season 86 men’s volleyball tournament sa Araneta Colesium.
Umataki si Dryx Saavedra ng 20 attacks at makaloko ng 2 attempts habang si Martin Bugaoan at Andrei Delicana bumakas ng 16 at 13 points, ayon ssa pagkakasunod, sa tagumpay ng Tamaraws, 25-18, 20-25, 25-22, 25-17.
Nagsanib puwersa sina Saavedra at Martin Bugaoan,Jayjay Javelona at Mirick Mendoza sa fourth quarter kung saan ang FEU ay pomuste ng 17-10 advantage patungo sa panalo.
“Nung second set, ready kami na kukunin talaga ng La Salle yung set na yun eh, ang adjustment namin ay tinanggap lang yung error na nangyayari, ang kailangan lang matono ulit yung mind ng bawat isa, maibalik yung composure (In the second set, we were ready that La Salle would really take that set. Our adjustment was just accepting the error that was happening, we just needed to get everyone’s minds back in tune, to regain composure),” Wika ni FEU head coach Eddieson Orcullo.
Nagtapos si Maglinao ng 20 points, 18 excellent receptions, at five digs para sa Green Spikers.
JM Ronquillo nagdagdag ng 19 points habang si Noel kampton may 12 attacks, aces at 2 receptions at four digs.
Makakasagupa ng FEU ang University of the East alas 9 ng umaga habang ang De la Salle haharapin ang University of Santo Tomas alas 11 ng umaga Linggo sa SM Mall of Asia Arena.