Advertisers

Advertisers

‘P100 DAGDAG-SAHOD UNTI-UNTIIN LANG’

0 17

Advertisers

NANINIWALA ang pamunuan ng Private Sector Advisory Council na mas makabubuti kung uunti-untiin ang pagpapatupad ng isinusulong na P100 minimum wage hike para sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa bansa.

Ayon kay Private Sector Advisory Council Lad for Jobs Joey Concepcion, layon nito na hindi maapektuhan ang mga maliliit na negosyante.

Ito ay upang makayanan nito nang lubusan na makasabay din sa pagtaas ng minimum wage.



Inihalimbawa pa ng opisyal ang mga nagdaang administration na unti-unting ipinatupad ang P15 hanggang P30 na umento sa sahod.

Iginiit ng opisyal na tanging mga malalaking korporasyon lamang ang makakasabay sa P100 na umento sa sahod.

Punto pa ni Concepcion, mas maganda na pagtuunan ng gobyerno ang paglikha ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Dapat din na tutukan ang upskilling at upscaling ng mga manggagawa nang sa gayon ay lumawak pa ang oportunidad na mabubuksan para sa mga ito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">