Advertisers

Advertisers

PNP itinanggi ang mga akusasyon ni Quiboloy

0 11

Advertisers

PINABULAANAN ng Philippine National Police (PNP) ang akusasyon ni Pastor Apolo Quiboloy na isinasailalim ito sa surveillance kaugnay ng mga reklamong kinakaharap nito.

Ayon kay Colonel Jean Fajardo, PNP Public Information chief, entitled siya sa kanyang opinion. Hindi natin alam kungsaan siya nakakakuha ng mga information .

“On the part of the PNP, we categorically deny any knowledge doon sa sinasabi niyang sabwatan,” diin ni Fajardo.



Sinabi ni Fajardo na nakatuon ang PNP sa kanilang mandato upang tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng publiko.

“Yung proseso sa Congress, the PNP cannot interfere. Hayaan nating yung proseso na gumulong at kung darating yung pagkakataon na hihingin yung assistance ng PNP then the PNP will ready to provide one,” ani Fajardo.

Binigyan diin ni Fajaddo na hintayin ang magiging sagot o tugon ni Pastor Quiboloy sa subpoena na ipinadala ng Congress at Senado

Sa ngayon, sinabi ni Fajardo na walang natatanggap na information ang PNP kaugnay ng banta sa buhay ni Pastor Quiboloy, sakaling mayroon man pagbabanta ay handa silang bigyan ito ng security.

Sa statement sa isang voice message na pinost sa Sonshine Media Network International (SMNI) ni Pastor Quiboloy na nagtatago siya dahil sa takot siya sa kanyang kaligtasan.



Itinaggi rin ni Quiboloy ang alegasyon na ginahasa niya ang mga miyembro sa kanyang religious organization.

Inatasan si Quiboloy na dumalo sa mga pagdinig ng Kongreso at Senado kaugnay ng kanilang ‘legislative inquiry’ sa umano’y mga paglabag ng SMNI at alegasyon ng human trafficking at sexual abuse laban sa kanya ng mga dating miyembro ng Kingdom of Jesus Christ.(Mark Obleada)