Advertisers
HIGIT sa 40 POGO workers at isang vietnamese mula sa ikalimang grupo na iligal na nagtratrabaho sa bansa ang ‘pinalayas’ ng Immigration authorities sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 sa Pasay City.
Pinangunahan ni Usec Gilbert Cruz at mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa pakikipagtulungan ng Bureau of immigration, DOJ at PNP ang pagpapaalis sa mga illegal workers na banyaga.
Ang mga chinese national ay sangkot sa illegal activities tulad ng online fraud, prostitution den, crypto scams, illegal online at gambling.
Natuklasan ng mga operatiba ang aktibidad ng mga dayuhan matapos salakayin ang isang gusali sa William St. sa lungsod ng Pasay, bukod sa iba pa, sa mga lungsod ng Makati, Parañaque, at Las Piñas.
Ang mga kasong iyon ay nagbunsod sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas na isaalang-alang ang pagkakaroon ng mga Chinese complaint desk para tugunan ang problema.
Sinabi ng Immigration bureau na ang mga Chinese national ang nanguna sa listahan ng ahensya ng mga dayuhan na naaresto dahil sa paglabag sa Immigration law.
Lumabas din sa datos na ibinigay ng bureau na ang mga Chinese national ang nangunguna sa listahan ng mga dayuhang mamamayan na pinigilan na makapasok sa bansa dahil sa pagpapakita ng kabastusan at kawalang-galang sa mga opisyal ng imigrasyon. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)