Advertisers

Advertisers

Spkr. Romualdez kay Quiboloy: ‘HARAPIN MO MGA AKUSASYON SA’YO!’

0 7

Advertisers

PINAYUHAN ni House Speaker Martin Romualdez si Pastor Apollo Quiboloy na harapin na lamang ang mga akusasyon laban sa kaniya at huwag nang ilihis pa ang isyu.

Ang pahayag ni Romualdez ay kasunod ng alegasyon ni Quiboloy na nakikipagsabwatan ito sa foreign authorities para sa mga iligal na aktibidad.

Binigyang-diin ni Romualdez na walang basehan ang mga pahayag na ito ng pastor at ginagamit lamang ito para ilihis ang atensyon sa mga kina-kaharap nitong mga reklamo.



Sinabi ni Romualdez, ang gobyerno at mga opisyal nito, lalo na ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay umaaksyon batay sa ibinigay na kapangyarihan ng Saligang Batas.

Kinikilala rin, aniya, nila ang ‘rule of law’ at pagtiyak sa seguridad ng lahat ng indibidwal.
Ipinunto ng Speaker na ang pokus ng Marcos Jr administration ay pagsilbihan ang sambayanang Pilipino at magkaroon ng magandang relasyon na makapag-benepisyo sa ating bansa.

Hamon pa ni Romualdez kay Quiboloy, idaan sa proper legal channel ang kaniyang reklamo at respetuhin ang legal na proseso.

Pinaalalahanan din ni Romualdez ang publiko na maging maingat at huwag basta na lamang magpaniwala sa mga akusasyong walang basehan.

Giit ng lider ng Kamara, bilang public servant, kanilang isinusulong ang transparency, integridad, kapakanan ng bansa at committed sa kanilang duties and responsibilities.