Advertisers
ARESTADO ang apat katao sa illegal quarrying operations sa San Ildefonso, Bulacan nitong Miyerkules.
Kinilala ang mga inaresto naaresto na sina Fernando Patac, 49 anyos, ng Santa Maria; June Padilla, 45, taga-Marilao; Rogie Remetio, 39; at Ginglebert Verde, 46, taga-San Ildefonso.
Ipinahayag ni Bulacan Environment and Natural Resources Offices (BENRO) head Julius Victor Degala, isinagawa ang operasyon ng BENRO at Bulacan Police sa Barangay Sapang Putik nitong Pebrero 21.
Nasamsam sa pagsalakay ng mga awtoridad ang ilang gamit sa pagku-quarry kabilang ang mga bareta at water pump.
Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 7942 (Philippine Mining Act), Provincial Ordinance C-005 (Environmental Code of the Province of Bulacan), at Executive Order No. 21 ng gobernador na nag-aatas na itigil ang quarrying activities sa lalawigan.
Kaugnay nito, tiniyak ni Bulacan Governor Daniel Fernando na mananagot sa batas ang mga dinampot na minero.