Advertisers
ARESTADO ang isang security guard nang magsilbing lookout habang pinagnanakawan ng kasabwat ang binabantayan nitong gasolinahan sa Quezon City, Huwebes ng umaga.
Kinilala ang naaresto na si Aquino Albarico Caparoso, 62 anyos, tubong Masbate at nakatira sa Barangay 175 Caloocan City.
Nakatakas naman ang ‘di pa kilalang kasama niya na naka-bullcap, t-shirt at maong na pantalon.
Sa report ng Pasong Putik Proper Police Station 16 ng Quezon City Police District (QCPD), 6:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa Phoenix Gasoline Station sa Belfast Regalado Highway, Brgy. Pasong Putik, na pag-aari ni Ananias Delos Santos, 75, ng Brgy. Kaligayahan, QC.
Sa imbestigasyon ni PSSg Haru Gil Manzano, naka-duty noon si Caparoso at ito ang nagsilbing lookout habang puwersahang binubuksan ng kasapakat ang entrance glass door ng gas station.
Nang makapasok ang kasabwat, winasak nito ang vault at nilimas ang lamang P144, 605 cash.
Lingid sa kanilang kaalaman, nakita ni Sarah Jean Ulidan, 29, admin assistant, ang pagnanakaw na agad nag-report sa pulisya.