Advertisers

Advertisers

Pulis na pumatay sa mangingisda, timbog

0 34

Advertisers

NAKAKULONG na ang pulis na nakabaril-patay sa isang mangingisda nitong nakaraang araw sa Purok Saeg, Barangay Calumpang, General Santos City.

Kinilala ang salarin na si Corporal Ekinne Tangcawan Semilla, 34 anyos, naka-assign sa Palimbang Municipal Police Station, at residente ng Zone 1, Purok Saeg.

Ayon kay Colonel Christopher Bermudez, provincial director ng Sultan Kudarat PNP, kaagad na ipinaalam sa kaniya ni GenSan City Director Col. Nicomedes P. Olaivar Jr. ang krimeng ginawa ni Semilla.



Kaagad nahuli si Semilla 10:00 ng gabi ng Miyerkoles sa Poblacion, Kidapawan City, Cotabato Province.
Tiniyak ng opisyal na masasampahan ng kasong murder si Semilla.

Matatandaang nagkasama sa inuman sina Corporal Semilla at ang biktimang si Marvin Bahian, 19 anyos, sa isang videoke bar nguni’t nagkaalitan na nagresulta sa pamamaril na ikinasawi ng binata.

Nalaman na pulisya na may dati nang alitan ang dalawa noong December 2023.