Advertisers
Halos humiwalay na ang ulo sa leeg ng isang lalaki nang tagain ng lasing na kapitbahay sa Barangay Ilayang Ilog B, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Felix Oseña Pecito, magsasaka; habang naaresto ang suspek na si alyas Manuel, 46-anyos.
Ayon sa ulat, 10:45 ng gabi nakatulog sa upuan sa loob ng kanilang bahay ang biktima nang makipag-inuman sa ilang mga kaibigan.
Maya-maya dumating ang lasing na salarin at walang sabi-sabing tinaga ng dalawang beses sa leeg ang biktima at mabilis na tumakas subali’t naaresto rin kinalaunan sa follow-up operation.
Inaalam pa ng ototridad ang motibo sa krimen.