Advertisers

Advertisers

Aang Tapang

0 29

Advertisers

Ni NICK NANGIT

DALAWANG kuwento ng katapangan ang sumalubong sa mundo ng showbiz ngayong linggong ito.

Una ay yung sikat na teleseryeng Avatar: The Last Airbender sa Netflix, at ang pangalawa ay yung pagtatanggol ni Sarah Lahbati sa kanyang mga anak.



Pinangunahan ang Avatar ng bida nitong Canadian Filipino na si Gordon Cormier. Laking Vancouver, British Columbia, ang 14-year old na batang ito ay nagkainteres na sa aktingan mula noong gumanap siya sa American comedy drama TV series na Get Shorty bilang isang palaboy na taga Guatemala. Nasundan ito ng isang pelikula at tatlo pang teleserye, hanggang sa ibigay kay Gordon ang napakahalagang papel bilang si Aang na kahuli-hulihang Airbender.

Kakaibang tapang ang ipinamalas ng karakter niya sa teleseryeng Avatar. Taglay niya kasi ang kapangyarihan ng apat na elemento – Hangin, Apoy, Tubig, at Lupa – bagama’t siya na lang ang natitirang tagahubog ng hangin sa kanyang kinakihang komunidad. Iba’t ibang karakter ang kanyang nakatunggali, kasama na ang mga taga-nasyon ng Apoy na nagnanais mangimbabaw sa pagpapalakad ng mundo.



Ang tungkol kay Sarah na isang Moroccan Filipina naman ay ang kanyang post sa socmed kung saan buong tapang niyang sinabi na ipaglalaban ang karapatan niya sa kanyang mga anak, dahil sa umano’y kumakalat na balitang kukunin ata at ilalayo sa kanya ang kustodiya sa mga ito.

Magandang malaman ng lahat na ang kustodiya sa mga anak ay dapat nasa magulang nito. WALANG karapatan ang mga lolo at lola, at lalong WALANG karapatan ang mga tito at tita, sa kanila.



Kung ang bata ay wala pang pitong taong gulang, nasa batas – ang Family Code – na dapat ay nasa nanay niya ito.

Kapag naabot na ng bata ang sinasabing age of discernment o pitong taong gulang, ang bata mismo na ang pipili kung kanino niya gustong sumama.

Yan ay kung may magsasampa ng kaso sa korte at kung pahihintulutan ng korte ang pinili ng bata.

Ibig sabihin, kung pariwara o napakababa ng moralidad ng nanay, hindi pa rin papayagan ng korte na sa nanay niya ito pupunta, kahit pinili pa siya ng bata, dahil laging ang “best interests of the child” ang basehan ng korte. Kung matino naman ang nanay at siya ang pinili ng bata, kahit na ano pang gawin ng tatay o ng pamilya ng tatay, o kahit mas mayaman pa ang tatay o ang pamilya ng tatay, HINDI mapupunta sa kanila ang bata.

Kaya, kung wala namang nagsasampa ng kaso para sa custody ng bata, o kaya’y wala pang pitong taong gulang ang bata, walang dapat pag-usapan sa korte.

Kahit na ba maluho pa ang nanay o kaya’y mas mababa ang kinikita niya kaysa sa tatay, hindi pwedeng tanggalin ang karapatan nito – dahil magulang ito – sa kanyang sariling anak.

Uulitin natin, kahit pa na mas mayaman ang mga lolo o lola, hindi sila kinikilala ng batas, dahil HINDI sila ang mga magulang ng bata. HINDI katumbas ng “best interests of the child” ang pera o kayamanan, kundi ang “bond” o “direct link” ng bata sa sarili nitong magulang kung saan siya nanggaling. HINDI rin ito iniuutos ng batas, dahil lamang siyam na buwan itong nasa sinapupunan ng nanay niya. Ang kinikilala ng batas ay ang napakahalagang “formative years” na sanggol mula sa pagpapa-dede nito hanggang sa unang hakbang, unang kamulatan, at unang pag-aaral kapiling ang nanay na siyang inaasahan ng lipunang mag aaruga sa kanyang anak.

Ayon sa mga ulat din, ang panganay na anak ni Sarah ay sampung taong gulang na, samantalang ang bunso niya ay mag aanim na taong gulang pa lamang. Walang kailangang pag-usapan pagdating sa bunso, dahil tiyak nasa puder iyan ng nanay niya. Yan ay kung walang legal na balakid laban kay Sarah.

Ang panganay naman niya ay may karapatan nang mamili kung kanino niya gustong mamalagi, pero ito ay titimbangin pa rin ng korte, dahil mawawalay siya sa kanyang kapatid. Kung sakali mang hindi sa tatay nilang si Richard Gutierrez sila mapunta, pwede namang magkaroon pa rin ng visitorial rights ito. At sa usapin ng kanilang pamilya, walang karapatan na makialam si Annabelle na isang lola lang, kahit ano pang putak nito sa socmed.

Ang napansin natin sa dalawang celebrities na ito ay kapwa silang Librans. Ayon sa Astrolohiyang Kanluran, sakto lang sila. Dapat ang mag lie low pa nga, sa gitna ng kasikatan, at isipin ang kalusugan.

Ang kaibahan ay Ox si Gordon at Rooster naman si Sarah. Mas magiging matagumpay ang taon ng Dragon kay Sarah, kaysa kay Gordon.

Kumbaga, nandiyan na ang tagumpay ni Gordon. Pahinga muna siya at tuunan ng pansin ang sariling pag-unlad sa pamamagitan ng kanyang pag-aaral.

Wala namang makabubuwag kay Sarah, lalo pa’t ang kakalaban ay isa lamang Dragon na dapat nga ay kasundung-kasundo niya subali’t (dahil Tubig ito at Hangin si Sarah) magiging mabigat ang dating sa kaparehas niyang taon.

Hanggang dito na muna ulit at abangan na lamang ang serye sa pag-aaral ng Astrolohiya na mapapanood ninyo sa 89.5 The Playroom simula ngayong Marso 2024. Para sa iba pang mga panayam at paksa na may kinalaman sa Taon ng Dragon, kababalaghan, o kaya’y batas, mag Subscribe lang, Watch, Like, Share, at iClick ang Bell, para sa mga notifications at updates sa bahay ni Nickstradamus sa YouTube.

Light Love and Life sa inyong lahat, lalo na kay R, Namaste!