Advertisers

Advertisers

LIBO-LIBONG PASAHERO SA LAGUINDINGAN AIRPORT, NATUWA SA KARAGDAGANG 100 TROLLEYS

0 7

Advertisers

MALAKING kaginhawaan ng mga pasahero ang pagdating ng 100 bagong troli na magagamit ngayon sa kanilang pagdating at pag-alis sa Laguindingan Airport, Misamis Oriental.

Malugod na tinatanggap ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Area X ang paghahatid ng mga pushcarts o trolleys sa airport kahapon, Pebrero 29.

Ang mga new trolleys na ito ay magagamit para sa kaginhawahan ng mga pasahero sa paliparan dahil sa dating kakulangan nito.



Dadagdag pa ito sa naunang bilang na 70 troli lamang sa Laguindingan, na naging 170 ang kabuuan.

Binigyang-diin ni Airport Manager na si Job De Jesus ang kahalagahan ng paghahatid ng mga ito. Ang kakulangan ay nagresulta sa ilang reklamo mula sa 6,000 araw-araw na mga pasahero.

Ang Paliparan ng Laguindingan ay nagse-serve ng humigit-kumulang 28 flight kada araw, na tumatanggap ng hanggang 680 na paparating at papaalis na mga pasahero nang sabay-sabay.

Ginagawa nitong komportable at maginhawa sa paglalakad ang mga pasahero lalo na sa paghawak ng mga mabibigat na bagahe. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">