Advertisers
Ni BETH GELENA
THANKFUL si Jake Ejercito kay Philmar Alipayo bilang stepdad ng kanyang anak na si Ellie.
Wala umanong reklamo ang daughter nila ni Andi Eigenmann dahil kind and courteous umano ang fiance ng ex niyang si Andi at wala raw siyang narinig na reklamo kay Ellie.
Hindi lang daw ang anak ni Philmar kay Andi ang inaalagaan nito kundi maging si Ellie.
At labis niya iyong pinagpapasalamat.
Aniya, wala umano silang problema ni Andi lalung-lalo na sa pag-aalaga at pagpapalaki sa anak nilang si Ellie.
Sa panayam ni Ogie Diaz kay Jake, nasabi nito kung gaano siya nagpapasalamat kay Philmar.
“Si Philmar, I’ve met him several times pag pumupunta ako sa Siargao. He’s been kind, courteous… Thankful lang din ako sa kanya kasi syempre si Ellie Nakatira sa bahay nila di ba? And as a stepfather, I’m sure inaalagaan niya rin si Ellie. Wala namang reklamo si Ellie sa akin about him. So, very grateful ako na ganu’n. Hindi ko siya iniisip or pino-problema,” ani Jake.
Tiwala siya kung papano alagaan ni Philmar si Ellie.
“So I’m sure that Ellie is in good hands kay Philmar and for that, nagpapasalamat ako talaga.
***
DANI TODO SUPORTA KAY DRAG QUEEN LUKA
NAGPAKITA ng suporta kay Pura Luka Vega si Dani Barretto pagkatapos itong maarestong muli.
Nag-isyu ng warrant of arrest ang korte ng Quezon City for complaints filed by three churches affiliated with the Philippines For Jesus Movement.
Kung noon ay P720K ang nilikom ng mga supporters ng Drag Queen, ngayon ay they are seeking P360K para sa bail ni Luka.
Sa IG Stories ni Dani, she showed support for drag queen Pura Luka Vega.
Ni-repost ng anak ni Marjorie ang @houseofding seeking help for a donation drive for Luka.
Ang goal ay para maka-raise ng P360K para makalabas si Luka.
Last Feb. 26, lang nang makapag bail ang drag queen, P720K para sa six counts of Violation of Article 201 of the Revised Penal Code in relation to Sec. 6 or R.A. 10175.