Advertisers
NASAWI ang isang ina at kanyang bagong silang na anak nang masunog ang kanilang bahay sa Purok Tipo, Barangay Sicayab, Dipolog City, Linggo ng umaga, Marso 3, 2024.
Kinilala ang mga biktima na sina Lyza Jamindang Dumiande, 16 anyos; at kanyang sanggol.
Ayon sa rumespondeng Dipolog City Bureau of Fire and Protection o BFP, mahirap ang daan para pumasok sa lugar, maging ang mga tao at barangay officials ay tumulong narin sa pag-apula ng apoy, nguni’t hindi nila naapula, hanggang nilamon ng apoy ang bahay kabilang ang mga biktima.
Ang live-in partner ng biktima na si Bernabe Cadano, 20, ay nasa pangingisda nang mangyari ang sunog.