Advertisers
Nagpaliwanag ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ang panibagong insidente ng glitch ay dahil nagkaproblema ang isa nilang makina.
Ito ay kaugnay sa batikos na ipinupukol sa PCSO noong 3Digit o Swertres Lotto Game nitong Pebrero 27.
Sa nasabing draw kasi ay nahulog ang bola na unang nakuha na ng isa sa kanilang makina kaya kanilang pinalitan ang makina ganun din ang inilabas na resulta.
Sinabi ni PCSO General Manager Mel Robles na nakahanda sila sa nasabing insidente kaya may mga back-up silang mga makina sakaling magkaroon nga ng ‘minor glitch’.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nangyari ang insidente dahil noong nakaraang mga taon ay mayroon ng kaparehas na pangyayari.
Pagtitiyak niya sa publiko na malinis ang mga draw na kanilang ginagawa dahil bawat draw ay mayroong nakabantay na mga opisyal ng Commission on Audit.
Wow ha!
Talaga lang!
Bakit pag itong si Mel Robles at ang PCSO ang nagkakaindulto,lagi na lamang may ready na alibi na nakahandang ikatwiran.
Kung ako kay PBBM,aalisin ko na si Robles sa PCSO habang maaga pa
Nalalambungan na kasi ng pandaraya ang mga draws sa nasabing institusyon.
Ika nga eh sinasabotahe ang pagbola para pumabor sa isang organisadong grupo na ang main opisyo ay dayain ang sambayanang mananaya.
Kawawang mga Pinoy,harap- harapang dinadaya at tinatarantado.
Kakarampot na kita ay itinataya pa sa lotto pero garapalang dinudugas naman ng mga mismong taga- PCSO.
Parang iginigisa sa sariling mantika ang mga tumataya sa lotto.
Lottong-Macao nga bang talaga Chairman Mel Robles ang nakakapangyari?
Masyado na kasing garapalan ang ginagawang diskarte.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com