Advertisers

Advertisers

Jeepney operators na nag-consolidate para sa PUVMP sa Metro Manila nasa 96% na – LTFRB

0 8

Advertisers

INANUNSYO ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz III na umabot na sa 96% ng jeepney operators ang nag-consolidate para sa Public Utility Vehicle Modernization Program sa Metro Manila.

Ang Metro Manila kasi ang isa sa may pinakamababang bilang ng mga nag-consolidate na jeepney operators nang magpaso ang unang itinakdang deadline noong Disyembre 31 ng nakalipas na taon.

Sa ibang mga probinsiya naman, nasa 80% hanggang 90% na ang nag-apply para sa consolidation.



Ito ay matapos na palawigin pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang consolidation deadline para sa PUV hanggang sa Abril 30 ng kasalukuyang taon para bigyan pa ng pagkakataon ang iba pang PUV operators na makasali sa kooperatiba o korporasyon na isa sa mga requirements para patuloy na magkaroon ng permit to operate mula sa pamahalaan.

Ang consolidation din ang unang yugto ng PUVMP na naglalayong mapabuti ang public transportation sa bansa na nakatutok sa pagbabawas ng carbon emission sa gitna ng concerns kaugnay sa climate change.