Advertisers

Advertisers

TITSER BUKING NAGPAPATAKBO NG DRUG DEN

0 10

Advertisers

NAHAHARAP sa kaso ang isang guro na miyembro ng LGBTQ community, at dalawang “boyfriends” nito nang mabistong may drug den sa loob ng kapitolyo ng Bangsamoro region sa Cotabato City sa isinagawang operasyo ng mga opisyal ng autonomous region at ng Philippine Drug Enforcement Agency, Sabado ng hapon, March 9.

Sisilbihan lang sana ng warrant of arrest sa kasong droga ang wanted na si John Lloyd Fernandez Compaña, 23 anyos, sa isang lugar ng squatters sa loob ng 32-hectare Bangsamoro capitol ng agents ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao nguni’t tuluyanng nauwi ang operasyon sa pagsara ng isang drug den na gamit ni Compaña at ng mga kasamang sina Ridzwan Ismael Abdulgani, 25; at ng guro na si Wajid Ibrahim Galib, 64.

Nabisto sa paghain ng warrant of arrest kay Compaña ng magkasanib na agents ng PDEA-BARMM at representatives ng bagong tatag na Bangsamoro Anti-Illegal Drugs Task Force (BAIDTF) na binubuo ng mga ahensyang pinamumunuan ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim, na nagsasama pala ang tatlo sa isang bahay kungsaan sila humihithit ng shabu, madalas may mga kasama pang bisita.



Magkatuwang na pinangunahan ang naturang operasyon ni PDEA-BARMM Director Gil Cesario Castro, mga kawani ng Ministry of the Interior and Local Government-BARMM, at suportado ng Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region, National Bureau of Investigation, at ng mga kasapi ng police mobile company ng Bangsamoro regional police office.

Maliban sa pagkakaaresto kay Compaña, natagpuan sa kanilang drug den ang 11 sachets ng shabu at iba’t ibang gamit sa paghithit nito.