‘Kalinga sa Maynila’, sa Dist. 1 sa Tondo sa Miyerkules, residente inanyayahan ni Mayor Honey
Advertisers
INAANYAYAHAN ni Mayor Honey Lacuna ang lahat ng residente ng first district of Tondo na lumahok sa “Kalinga sa Maynila” sa Miyerkules, March 13, 2024 at samantalahin ang pangunahing serbisyong ipinagkakaloob ng Manila City Hall ng libre at hinahatid sa mismong tarangkahan ng kanilang tahanan.
Ayon kay Lacuna, ang ‘Kalinga’ ngayong linggo ay magsisimula ganap na alas-otso ng umaga sa Moriones Street at sakop ang mga Barangays 43, 46 at 47.
Maliban sa free medical consultation, Lacuna sinabi ni Lacuna na mayroong ding ibang serbisyo na inaalok dito ng libre kabilang na ang basic medicines,| deworming, rabies vaccination, civil registry, tricycle/parking registration, IDs para sa persons with disability, solo parents at senior citizens, clearing/flushing operations, water and electricity, building permit inquiries, notary services at police clearance.
Idinagdag pa niya na maging ang kawalan ng trabaho ay tinutugunan dito sa pamamagitan ng paglalatag ng mga job vacancies na ginagawa mismo dito.
Maliban pa dito, sinabi rin ni Lacuna na Ang iba’t-ibang pinuno ng mga departmento, ahensya at tanggapan ay darating upang direktang tugunin ang katanungan at usapin ng partikular na miyembro ng komunidad.
Kabilang sa mga departmento ay ang : MTPB – Manila Traffic and Parking Bureau, Department of Public Services-Manila, Department of Engineering and Public Works, Manila, Manila Police District, Manila Barangay Bureau, Manila Civil Registry Office, City Legal Office, Manila, Manila Health Department, Manila Department of Social Welfare, Public Employment Service Office – City of Manila,
Manila OSCA, Manila Veterinary Inspection Board and the City Treasurer’s Office Manila.
Nabatid kay Lacuna na ang mga nasabing tanggapan, ahensya at departmento ang kadalasang pinupuntahan ng mga residente para sa kanilang mga katanungan, hinaing at usapin. Ito rin ang dahilan kaya sila ay isinasama ng alkalde sa “Kalinga”.
Tuwing may ‘Kalinga sa Maynila,’ tinutugon, sinasagot at binigyang linaw ng lady mayor ang lahat ng tanong, kahilingan at usapin sa ilalim ng no-holds barred na talakayan kasama ang mga residente ng participating barangays.
Ang ‘Kalinga sa Maynila,” ay nagsimula simula nang manungkulan si Lacuna bilang alkalde ng Maynila at ito ay upang dalhin sa mismong tahanan ng mga residente kanilang mga pangunahing pangangailangan mula sa City Hall ng libre.
Dahil dito ay makakatipid sila ng oras at pera dahil di na sila kailangan na pumunta pa ng City Hall. (ANDI GARCIA)