Advertisers

Advertisers

Sen. Risa, walang karapatang husgahan si Quiboloy

0 7

Advertisers

INSPIRASYON SA BUHAY: “… Mga minamahal, huwag ninyong paniwalaan ang bawat nagsasabing nasa kanila ang Espiritu. Sa halip, subukin ninyo sila upang malaman kung talagang mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila, sapagkat marami nang huwad na propeta sa mundong ito…” (1 Juan 4:1, Ang Tanging Daan Bibliya).

-ooo-

GULO SA HANAY NG MGA KRISTIYANO ANG UTOS NI RISA NA ARESTUHIN SI QUIBOLOY: Nagugulo ang hanay ng mga Kristiyano sa Pilipinas sa ngayon, dahil sa pagpapalabas ni Senadora Risa Hontiveros ng warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy.



Ipinag-utos ni Risa ang pagpapahuli kay Quiboloy dahil hindi sumipot ang pastor sa patawag ng komite ni Risa sa Senado na diumano ay nag-iimbestiga sa mga akusasyon laban kay Quiboloy.

Gulo at pagkakahati-hati ang agad na dulot nito sa mga Kristiyano sa Pilipinas, kung saan sinasabing halos 80 porsiyento ng mga Pilipino ay nananampalataya kay Jesus.

Nagkakaroon ng kaniya-kaniyang pananaw ang iba’t ibang mga lider-relihiyon, ganundin ang mga lider pulitika.

-ooo-

SENADORA RISA, WALANG KARAPATANG MAGSABI KUNG GUILTY SI QUIBOLOY O HINDI: Masama itong ganitong epekto ng ginagawa ni Risa laban kay Apollo Quiboloy, pero, sa pananaw ng Simbahang AND KNK, may mas masamang bunga ito.



Dahil itinuturing na ni Risa na may kasalanan si Quiboloy bagamat wala naman siyang karapatan bilang senador na magsabi kung may kasalanan nga ang pastor o wala, inaalis ni Risa ang paniniwala ng mga Pilipino sa Diyos at sa mga simbahan.

Ginagawa ni Risa na godless ang maraming Pilipino. Sa totoo lang, walang karapatan si Risa na mag-imbestiga kay Quiboloy.

Kung naniniwala siyang may kasalanan si Quiboloy dahil sa mga sumbong diumano sa kaniya, ang tamang hakbang na legal ay ang pagsasampa niya ng kaso.

Hindi yung mag-iimbestiga siya ng wala namang buting idudulot sa Pilipino, kundi mapabango ang kaniyang pangalan. Nakakahiya itong pag-uugaling ito.

-ooo-

FACEBOOK, “NAWALA” SA ERE NOONG IKA 05 NG MARSO 2024: Noong Martes ng gabi, ika 05 ng Marso 2024, biglaang hindi nagamit ng daang milyong ng Facebook users ang kanilang mga accounts.

Nag-panic ang mga Facebook users, dahil sa kanilang paniniwalang Facebook na lamang kasi ang kanilang nagagamit upang makipag-talastasan sa buong mundo.

Ang siste, matapos lamang ang isa o higit pang oras, tila ba nabuhay ulit ang Facebook, at nagamit na naman ng kanilang mga account holders.

So, all is well that ends well? Okay lang ang mga pangyayari kasi nalutas naman ang suliranin? Hindi, ayon sa Simbahang Anak Ng Diyos Kadugo Ni Kristo, AND KNK.

Una, maliwanag na bahagi ng panlilinlang ng diyablo ang Facebook upang mailayo ang daang milyong mga tao, kundi man bilyon-bilyong katao, sa Diyos.

Pagmasdan natin: ang mga fFacebook users ay gumugugol ng halos 12 o higit pang oras upang tumingin o gumamit ng Facebook araw-araw.

Pero, wala man lamang silang mai-ukol na kahit isang minuto man lang sa pagbabasa ng bBbliya o pag-aaral sa mga kautusan ng Diyos.

-ooo-

FACEBOOK, IBA PANG SOCIAL MEDIA PLATFORMS, NAGLALAYO SA TAO SA DIYOS: Sa totoo lang, naalala ng mga tao ang mga posts sa Facebook at sa iba pang mga online platforms, at kanila pang isini-share ang iba sa mga posts na ito.

Pero, ni isang bersikulo ng Bibliya ay walang maalala ang mga tao. Ni walang maalala ang mga tao sa mga tao na nagkaroon ng papel sa mga pangyayari sa Bibliya.

Ni walang isini-share mula sa bibliya ang marami.

Ano ang magiging bunga ng ganitong pagkahumaling ng mga tao sa Facebook at sa social media? Simple lang. Mas lalong lumalayo sila sa Diyos at sa kabanalan.

Dahil diyan, mas lumalapit sila sa mga sumpa ng Diyos.

-ooo-

REAKSIYON? Email: batasmauricio@yahoo.com. Cell phone number +63 947 553 4855.

-ooo-

MANOOD, MAKINIG (PART 1): KAKAMPI MO ANG BATAS, ala una ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, sa Radyo Pilipino Luzon, Visayas, at Mindanao, Lunes hanggang Biyernes, sa facebook.com/radyopilipino, facebook.com/attybatas, facebook.com/philiplmauricio, at YouTube.com/ Kakampi Mo Ang Batas.

MANOOD, MAKINIG (PART 2): AND KNK THE ONE’S CHANNEL, Lunes hanggang Linggo, mula alas 5:30 ng umaga, hanggang alas 10 ng gabi, sa facebook.com/ANDKNK, facebook.com/attybatas, YouTube.com/AND KNK.