Advertisers

Advertisers

80-anyos ginulpi ng adik na anak

0 9

Advertisers

Nagtamo ng matinding mga pasa sa katawan, sugat at pagkaka-fracture ng mga buto ang 80-anyos na nanay na binugbog ng lasenggo at addict sa shabu na anak sa Kitaotao sa probinsya ng Bukidnon.

Kinilala ang biktima na si Asuncion Delacerna Hiagonia, 80-anyos; at ang salarin na anak na si Lito, 50-anyos, na nahaharap na sa kaukulang kaso.

Naganap ang pananakit ng suspect sa kanyang ina sa kanilang bakuran sa Sitio San Jose sa Barangay Balocbocan, Kitaotao.



Ayon sa mga barangay officials at mga imbestigador ng Kitaotao Municipal Police Station, lasing ang suspect at hinihinalang nasa impluwensya ng shabu ng saktan ang ina dahil lang sa isang maliit na hindi pagkakaunawaan.

Kilala sa kanilang barangay ang suspect na sugapa sa pinagbabawal na droga.