Advertisers
NAKALAYA nitong Lunes ng gabi ang film director na si Jade Castro at ang kaniyang tatlong kasama na inaresto at kinasuhan sa bintang na pagsunog sa isang modern jeepney sa Catanauan, Quezon noong January 28.
Sinabi Atty. Michael Marpuri, isa sa mga abogado ni Castro, 8:00 ng gabi nakalabas ng BJMP facility sa Ca-tanuan sina Castro.
Dagdag ni Marpuri, pinagbigyan ni Catanauan RTC Branch 96 Judge Julius Francis Galvez ang ‘motion to quash the information’ laban kina Castro na kanilang inihain.
“Ibinasura ng korte ‘yung demanda dahil mali ‘yung pagkakaaresto sa kanila,” sabi ni Marpuri.
‘Destructive arson’ ang isinampang kaso kina Castro ng Catanauan Police.
“The information was quashed on the ground of lack of jurisdiction of the court on the persons of the accused due to the invalidity of their arrest. Technically, case is dismissed but without prejudice as to refiling,” ani Atty. Marpuri.
Kinumpirma din ni BJMP spokesperson Chief Insp. Jayrex Bustamante ang paglaya nina Jade at 3 kasama.
Ipinaliwanag ni Atty. Blanchie Baticulon, isa rin sa mga legal counsel ni Castro, pina-nigan ng korte ang kanilang pagkwestiyon sa pagkaaresto sa mga ito.
Una nang iginiit ng pulisya at ng piskalya na “hot pursuit” ang pag-aresto kina Castro, ngunit ayon sa korte, walang nangyaring “hot pursuit”.
“In this case po, the court ruled that there is no hot pursuit, for the reason po na sabi ng husgado, ng Branch 96 ng Catanauan, Quezon, unang una, ‘yung mga testigo, hindi nila nasabi, right after the commission of the crime, kung saan sila pumunta,” ani Baticulon.
Dagdag pa niya, hindi nakapagbigay ng impor-masyon ang mga testigo tungkol sa sasakyang ginamit nina Castro para tumakas mula sa scene of the crime.
“Kasi nga po sabi ng husgado, the time they were arrested, the suspects were not acting in suspicious manner. They were acting as innocent individuals at that time,” sabi ni Baticulon.
Inaresto sina Castro Enero 31.