Advertisers

Advertisers

Mommy kinatay ng anak habang tulog

0 11

Advertisers

Nasawi ang 64-anyos na ina nang pagsasaksakin ng anak habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Masambong, Quezon City nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Charito Calma Opriasa, 64, may asawa at nakatira sa Amuslan St., Barangay Masambong, Quezon City.

Agad namang naaresto ang salarin na si Romeo Salazar Opriasa, 39, binata, walang trabaho, anak ng biktima.



Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU- QCPD), 12:10 ng madaling araw nitong March 11, nang isagawa ang pagpatay sa biktima sa loob ng kaniyang kuwarto.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagising na lamang ang isa pang anak ng biktima nang marinig ang pagsigaw ng kanyang ina.

Dahil dito, agad sumugod sa silid ng ina si Robel at doon naabutan pa nito habang sinasaksak ng kanyang kapatid ang kanilang ina.

Agad namang inawat ni Robel ang kapatid bago nagpasaklolo sa mga opisyal ng Barangay Masambong at isinugod ang kanilang ina sa Quezon City General Hospital.

Binawian ng buhay ang biktima 5:40 ng umaga.



Inaresto naman ng mga pulis ang suspek at nakumpiska sa kanya ang kutsilyong ginamit sa pamamaslang sa ina.

Lumalabas sa imbestigasyon na bago ang krimen, humingi ng pera ang suspek sa kanyang ina subali’t hindi ito nabigyan.