Advertisers

Advertisers

Sekyu hinalay ang pamangkin na menor de edad

0 8

Advertisers

Arestado ang isang security guard na nanghalay ng menor de edad na pamangkin sa Barangay 649, Port Area, Manila noong Martes.



Sa bisa ng warrant of arrest, hinuli ang suspek na 44-anyos, na nagtago sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila, nang abusuhin ang noo’y 7-anyos na bata.

“Ito ho pala kanyang tito ay nakatira ho sa kanila. Nangyari ito sa loob ng bahay nung biktima, which happened around 2018,” ayon kay PLtCol. Emmanuel Gomez, hepe ng Baseco Police Station.

Bukod sa pangmomolestiya, napag-alaman na hanggang sa video call pinapakitaan ng kahalayan ang biktima.

“Sa tulong ng ating counterpart, napag-alaman na itong security guard ay nagtatrabaho dito sa atin,” sabi ni PLtCol. Gomez.

“Positively identified ho ‘yung tao. Nagkaroon tayo ng chance by means of element of surprise, nahuli natin siya and nasagawa natin ng maayos ‘yung warrant of arrest,” dagdag ni PLtCol. Gomez.

Itinanggi naman ng suspek ang mga paratang laban sa kanya at sinabing ikinagulat din niya ang pagkakaaresto.

Nasa kustodiya ng Baseco Police Station ang suspek na nahaharap sa mga reklamong Statutory Rape at paglabag sa Anti-Child Abuse Law.(Jocelyn Domenden)